Sunday, July 24, 2011

Ang Aking Pamilya

Ang Aking Pamilya
My Family
   
mukhang nasingit lang
Atashi'nchi
Ma Famille
Mi Familia


                Galing ako sa isang normal na pamilya.Kahit na paminsan-minsan nalang kamin nagkikita ngayon, ramdam ko pa rin ang suporta nila sakin. 



        Ito ang aming Inang Reyna, si Elizabeth Deguzman, Betchay ang tawag sa  kanya ng mga kapitbahay. Syempre, tulad ng normal at tipikal na nanay, mabait, masipag, maaruga, at iba pa, ganun din ang nanay namin. madalas ko syang kabiruan, madalas ding pikon, at madalas ko rin syang kasamang manuod ng mga anime.


                Ang Munting Prinsesa, si Yveth. Natatanging babae saming magkakapatid. Dapat daw, ang babae ang gumagawa ng mga gawaing bahay tulad ng paglilinis, paghuhugas ng plato, pagluluto at iba pa, ibahin nyo siya, wala yang gagawin kundi umupo, humiga, kumain, manuod, magtext at mag-internet. Kahit galit na galit na ang mga tao sa kanya, mas lalo pa syang mag-iinarte. Pero kahit gaano pa siya katamad, mahal na mahal ko 'yan. Dahil na rin sa sobrang pagkamahal ko sa kanya, napapasa sa akin ang mga gawain bahay.

              Ang kuya ko, si Haring Virgilio. Tagapag-utos ng bahay. Kailangang sundin ang inuutos upang hindi mo makita ang mga bituin. pero, wala siyang laban sa prinsesa dahil sa galing nitong mag-inarte. At dahil doon, ako, ang Katulong ng Palasyo ang gumagawa ng lahat ng gawain mula umaga hanggang bago matulog. Kapag may gamit ang kuya ko na hindi niya nagustuhan o hindi na niya ginagamit, binibigay na niya iyon sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit napakarami kong damit sa aking damitan, at puro second hand.
            Si Bakeshop, ang Sidekick ng Katulong. Siya ang alaga kong pagong na madalas napagkakamalang pawikan at palaka. Palagi ko siyang kasama kahit saan ako magpunta. Mahal nya ako at mahal ko rin siya. Kaya kaming dalawa ay laging masaya. nya ha ha... 

     Sila ang aking pamilya.

Si Guile ay ako

Medyo jowk 'tong picture ko na 'to!
Nyahahaha!!! XD
           Ako si Guilbert Macaranas De Guzman na mas kilala bilang "Guile". Ang palayaw kong Guile ay isang salitang Ingles na ang ibig sabihin ay pandaraya o panlinlang. Pinanganak ako ng nanay ko na si Elizabeth De Guzman, na binuntis ng tatay ko na si Guillermo De Guzman noong ika-7 ng Hulyo, taong 1994. Pangalawa ako sa apat na magkakapatid.
          Ikalawangf taon ko na ng pag-aaral sa Central Luzon State University at kinukuha ang kursong Bachelor of Science in Information Technology.Nagtapos ako ng Elementraya sa Bongabon Central Scool noong taong 2006, at hayskul sa Bongabon National High School noong taong 2010. Bago ako pinag-aral ng mga magulang ko sa elementarya, pinasok muna nila ako sa Saint Francis Child Formation Center, at doon, mas nahasa ang galing ko sa pagguhit.
         Hilig ko ang pagguhit, bata pa lamang ako at hindi pa alam kung ano ang paaraan, lapis at papel na ang hawak ko. Ngayon, dahil sa mas nahasa na ang talento ko, naiguguhit ko na ang mukha ng mga tao. Hilig ko ring kumain ngmatatamis na pagkain habang gumuguhit, sa kadahilanang nakakagising daw iyon ng utak.
        Mabait naman ako, hindi lang halata sa mukha ko, kaya 'wag kayong matatakot na kausapin ako kung may gusto kayong sabihin o ipagawa. wag nyo lang kalimutan, si Guile ay ako.
NOTES: di ko nailagay yung awards na nareceive ko nung elementary saka high school!!! my gosh, ang hirap kayang tagalugin, nagmumukhang awkward kya nga hayskul nalang nilagay ko kesa mataas na paaralan, awkward diba? (o baka hindi lang talaga mataas na paaralan yung tagalog nun, hmmm... i wonder) saka yung nasa THIRD PARAGRAP, SECOND SENTENCE portrait yon!!!!! hahahaha!!! kayo, baka may gusto ka paportrait, kausapin nyo lang ako. XDD