Tuesday, August 9, 2011

Ako Bilang Isang Bagay

Ako bilang isang bagay, sa tingin ko, maihahalintulad ko ang sarili ko sa isang stuffed toy. Nakangiti palagi, at hindi sumisimangot. Hindi gagalaw kung hindi gagalaawin. Katulad rin ako ng ibang tao, pwede mo rin akong pagsabihan ng problema o kahit ano. Pero dahil sa isa nga akong stuffed toy, wala kang maasahang sagot kundi ngiti lang. At sa loob ng bawat ngiti, walang laman kundi purong bulak lang. Madaming may gusto sakin, marami ring may ayaw,dahil ganito 'ko, isang stuffed toy, oo, tama manhid nga ako.

No comments:

Post a Comment