Tuesday, August 9, 2011

SI CRUSH!!!!

haha!! gulat kayo noh!!!
ako din nagulat,
kaya wag kayong mag-alala XD
            Naturally, hindi ako humahanga sa isang tao; sa itsura nya o kahit sa talento nya. Pero dahil kailangan maglagay dito ng picture ni crush, at para tumigil na rin ang mga paparazzi (haha XD), eto, nilagay ko na sa blog, si CRUSH!!!

           Sya si Crush, ang pangalan nya ay Lovely. Hindi naman sya ganong kagandahan, di rin naman sya talented. Ang hinangaan ko sa kanya ay 'yung humor nya, saka 'yung porma nya. Sobrang magkamukha kami ng trip, halimbawa nalang ay 'yung pagkolekta ng mga millipede at pagtapos kolektahin eh, papatayin. At saka, 'yung paraan ng pananamit nya, at yung hairstyle nya, wala akong masabi kundi, ASTIG! Sobrang bait ni Lovely, isa pa rin 'yon sa hinangaan ko sa kanya. :D

NOTE:hangaan na nila ko basta, mamatay sila, hindi ko sila crush, bleeeh!!! saka parang nilait ko muna si Lovely eh bago purihin nyahahaha!!!

No comments:

Post a Comment